BALAY SILANGAN REFORMATION CENTER SA SAN GABRIEL, LA UNION, BINUKSAN

Pormal nang binuksan at binasbasan ang Balay Silangan Reformation Center sa Barangay Bucao, San Gabriel, La Union.

Pinangunahan ng Local Government Unit ng bayan ang aktibidad na dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan at lokal na sektor kabilang ang PDEA Regional Office I, PNP, BFP, DSWD, DILG, TESDA, DepEd, ALS, at mga grupong panrelihiyon.

Dalawampu’t limang (25) kalahok ang sasailalim sa tatlong buwang reformation program.

Kabilang dito ang isang buwang in-house phase na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, psychosocial, at pisikal na gawain, kasunod ang dalawang buwang phase para sa kabuhayan o edukasyon.

Layunin ng pasilidad na makatulong sa rehabilitasyon at muling pagbabalik ng mga dating sangkot sa ilegal na droga sa komunidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga pambansang ahensya, at iba pang sektor.

Facebook Comments