BALAY SILANGAN REFORMATION FACILITY SA MANAOAG, MAAARI NANG GAMITIN NG MGA RESIDENTE MULA ANDA AT AGNO

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang mga bayan ng Agno at Anda para sa paggamit ng Balay Silangan Reformation Facility ng bayan ng Manaoag, bilang bahagi ng kanilang hakbang sa pagpapalakas ng mga programang rehabilitasyon para sa mga indibidwal na nais magbagong-buhay.

Nilagdaan ang kasunduan sa Manaoag, na nagbibigay-daan sa dalawang bayan na magamit ang pasilidad para sa mga sumasailalim sa reformation at recovery programs.

Sa ilalim ng kasunduan, maaaring dalhin ng Agno at Anda ang kanilang mga benepisyaryo sa pasilidad upang sumailalim sa structured reformation activities, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at pamantayan ng programa.

Ang Balay Silangan ay kinikilala bilang isang huwarang pasilidad na may mga programang nakatuon sa moral recovery, values formation, at skills development. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments