‘BALAY SILANGAN REFORMATION PROGRAM’, SA LUNGSOD NG DAGUPAN, INIHAHANDA NA

Inihahanda na ang ‘Balay Silangan’ ng lokal na pamahalaan ng Dagupan matapos na maisagawa ang pag-inspeksyon ng alkalde kasama ang iba pang kawani ng gobyerno sa isang pasilidad sa lungsod na magsisilbing reformation facility ng mga drug reformist.
Matatandaan na nito lamang nakaraang taon nilagdaan ng mga nakatalagang ahensya ang isang Manifesto of Commitment ng Balay Silangan Reformation Program sa lalawigan.
Ang ‘Balay Silangan Reformation Program’ ay inimplementa noong taong 2018, na inisyatibo ni Director General Aaron N. Aquino, sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Drug Enforcement Agency. Pinagtibay naman ito ng Dangerous Drugs Board bilang regulasyon noong Enero 2018.

Naglalayon ang nasabing programa na magbigay ng interbensyon at pagkakataon para sa mga small-time drug offenders na hindi gumagamit ng droga o dependent, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kanilang sitwasyon at pagbibigay sa kanila ng pagkakataon para sa isang bagong buhay nang hindi sumasailalim sa mga operasyon ng pagpapatupad at pagkuha ng isang criminal record.
Samantala, sa pagdeklara rin ng PDEA ng Certificate of Drug-Cleared Barangay ng mga lokal na pamahalaan ay magiging kailangan ang pagkakaroon ng Balay Silangan.
Mithiin din ng LGU Dagupan na madagdagan ang bilang ng mga drug-cleared barangays ngayong 2023. |ifmnews 
Facebook Comments