BALIDASYON NG MGA TANOD AT PORTER NA APEKTADO NG BAGYO, ISINAGAWA SA DAGUPAN

Isinagawa sa Dagupan City ang intake at validation para sa mga tanod at porter ng Magsaysay Market na apektado ng nakaraang bagyo.

Layunin ng proseso na tiyakin ang tamang benepisyo at tulong para sa mga sektor na naapektuhan.

Kasama sa aktibidad ang City Social Welfare and Development Office, katuwang ang City Market Division, upang masiguro ang maayos at mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments