Para sa pagpapasigla ng agrikultura sa bayan ng Lingayen, nagsagawa ng inspeksyon at balidasyon ang Department of Agriculture Regional Field Office 1 sa anim na Barangay ng bayan para pagtayuan ng ilang proyekto ng ahensya.
Sumailalim ang Brgy. Lasip, Wawa, Naguelguel, Dulag, Malimpuec, at Estanza sa balidasyon na nakatakdang pagtayuan ng Solar-Pump at Solar Powered Irrigation System na mula sa ahensya.
Inaasahan na makapagpapatubig ang proyektong ito sa mga sakahan sa mga nabanggit na barangay kung saan nagkakahalaga ito ng nasa multi-milyong halaga kung maaprubahan na ng DA.
Layunin ng proyektong ito na mas mapadali ang kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mas murang sistema ng irigasyon, sapagkat sa tulong ng solar energy ay kaya na nitong patakbuhin ang irrigation pump sa halip na gumamit ng tradisyonal na diesel fuel at kuryente.
Kung matatandaan, noong taong 2020 ay nagsagawa ng unang ‘site visitation’ ang DA sa mga nabanggit na lugar matapos itong irekomenda bilang lokasyon ng naturang proyekto.
Taong 2022 din noong idinaos sa Barangay Wawa ang groundbreaking ceremony at blessing ng Solar Powered Irrigation System na isa sa mga proyekto ng National Irrigation Administration (NIA) Regional Office.

Facebook Comments