BALIK AMERIKA | Tatlong naarestong Amerikano sa North Korea, pinalaya na

Pinalaya na ng North Korea ang tatlong naarestong American Citizens.

Ayon kay U.S. President Donald Trump, kasama na ni US Secretary of State Mike Pompeo pauwi ng kanilang bansa ang mga naaresto na sina Kim Dong Chul, Kim Hak-Song at King Sang Duk.

Sina King Sang Duk at Kim Hak-Song ay inaresto noong Abril at Mayo 2017 matapos na akusahan ang mga ito ng na may balak na hindi maganda sa Pyongyang.


Naaresto naman noong 2015 si Kim Dong Chul matapos na akusahan ng pag-ispiya sa ngalan ng South Korea.

Facebook Comments