BALIK-BANSA | Halos 4 libong undocumented OFWs, sumailalim sa amnesty program ng Kuwaiti government

Manila, Philippines – Umaabot na sa halos 4,000 mga Overseas Filipino Workers ang nakabalik ng bansa simula nang magpatupad ng Amnesty program ang Kuwaiti Government.

Sa pinakahuling tala ng DFA Office for Migrant Workers’ Affairs, kabuuang 3,930 OFWs na ang sumailalim sa nasabing programa magmula noong February 11.

Asahan pa ayon sa DFA ang ilang batch ng mga OFWs na uuwi ng bansa bago ang Abril a-22.


Ito kasi ang petsa kung kailan magpapaso ang amnestiya ng Kuwaiti government.

Kasunod nito patuloy na umaapela ang DFA sa halos 6,000 pang mga undocumented OFWs na sumailalim sa naturang programa hanggat hindi pa huli ang lahat.

Pagkatapos kasi ng deadline uumpisahan na ng Kuwaiti government ang crackdown at kung sino man ang mahuhuling overstaying na OFW ay maaaring maaresto, makasuhan at makulong.

Sa mga OFWs na sasailalim sa repatriation program kinakailangang magparehistro ang mga ito hanggang April 12 dahil 10 araw ang kinakailangan upang maproseso ng embahada ang kanilang exit requirements.

Facebook Comments