BALIK-BARIL | 150 na mga hindi lisensyadong baril, isinuko sa Matalam, North Cotabato

North Cotabato – Isinuko ng mga local government officials ng Matalam, North Cotabato ang kanilang 150 mga hindi lisensyadong baril sa militar.

Ayon kay Captain Arvin Encinas ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang mahigit isang daang mga baril na ito ay ang 67 homemade 12-gauge shotgun, 28 garrand rifles, 10 carbines, 6 m79 rifles, 16 springfield rifles, 5 barret rifles.

Kabilang pa ang tatlong m14 rifle, 1 colt rifle, 1 automatic rifle, 3 caliber 38 pistols, 1 caliber 357 pistol, 1 pistol, 1 mortar, 3 sub-machine gun, at dalawang 12-gauge pistol.


Nakolekta ang mga baril na ito sa mga local officials ng 34 na barangay sa Matalam, North Cotabato.

Ang pagsuko ng baril ng mga local officials sa lugar ay bilang kanilang pagsuporta sa Balik-Baril Program ng pamahalaan.

Isinagawa ang turn-over ceremony sa Municipal Gymnasium ng Matalam Kamakalawa.

Facebook Comments