Maguindanao – Walang mangyayari sa bansa kung mag aarmas ang lahat at gagamitin ito sa karahasan.
Bahagi ito ng pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita kahapon sa bayan ng Buluan Maguindanao upang personal na pangunahan ang pormal na paglulunsad ng Balik-Baril Program ng administrasyon.
Sinabi ng Pangulo na nauunawaan niya na bahagi na ng kultura ang pagkahilig sa baril.
Ang hindi lamang maganda ay ginagamit aniya ito sa masama, karahasan, at pag aaklas laban sa pamahalaan.
Nagiging sanhi din ang baril sa pagsiklab ng rido o mga awayan sa pagitan ng mga angkan.
Upang maibsan ito kundi man tuluyang mawala ay inilunsad ang Balik-Baril Program.
Kahapon ay mahigit sa isang libong mga armas ang iprinesenta kay Pangulong Duterte na nagmumula sa 33 bayan sa Maguindanao.