Manila, Philippines – Ilalatag ng Philippine National Police ang kanilang operational plan sa susunod na linggo.
Kaugnay ito sa pagsisimula ng pasukan sa mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa sa susunod na buwan.
Sabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nakahanda na ang mga ilalatag nilang seguridad sa pasukan… katulad ng ipinatupad nilang seguridad sa nakalipas na barangay at Sanggunian Kabataan election.
Aniya, alam na nila kung ilan at saan ang mga critical area kapag ganitong balik eskwela.
Bilang bahagi naman ng ipatutupad na mahigpit na seguridad, sinabi ni Albayalde na maglalagay siya ng dalawang pulis sa bawat police assistance desk sa pagsisimula ng school year 2018-2019.
Hindi naman ibinababa ng pnp ang kanilang alerto dahil ayon kay General Albayalde nakafull alert sila hanggang sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.