Manila, Philippines – Malugod na binabati ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang nasa 29 na milyong estudyante na papasok ngayong school year 2018-2019 sa Hunyo.
Ayon kay Briones, sa pagbubukas ng panibagong academic year, milyu-milyong estudyante mula sa pribado at pampublikong paaralan ang magbabalik klase.
Aniya, inaasahan din nila ang nasa 1.5 million Senior High School students na papasok ngayong taon.
Itinakda ng DepEd ang June 4 bilang araw ng pagsisimula ng klase sa lahat ng public schools nationwide habang maaring itakda sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto a-kwatro ang balik-eskwela sa mga private schools.
Facebook Comments