BALIK-ESKWELA | 3 araw na Brigada Eskwela sa Marawi, ikakasa ng DepEd

Marawi City – Ikakasa ng Department of Education (DepEd) ang tatlong araw na Brigada Eskwela sa December 13 hanggang 15 sa Marawi City.

Pangungunahan ito ni DepEd Secretary Leonor Briones, kung saan sinabi nito na sisimulan na rin ang konstruksyon ng mga nasirang paaralan sa lungsod.

Batay sa rekord ng DepEd, nasa 20,000 estudyante mula sa Marawi City ang na-displaced o nagsilikas nang magsimula ang karahasan noong Mayo 23.


Karamihan naman sa mga bata ay nag-enroll na sa mga lugar kung saan sila lumikas at napadpad kasama ang kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments