BALIK ESKWELA | Batasan National High School, nagsara na ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa regular na klase para sa SY 2008-2009

Manila, Philippines – Nagsara na ang Batasan National High sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa regular na klase para sa SY 2008-2009.

Ayon kay Justice Samin, clerk na nakatalaga sa registration, umabot na sila sa 15,000 na enrollees.

Mga pang Sabado at home study na lamang sa ilalim ng Alternative development mode ang kanilang tinatanggap.


Ang kinakailangan nila na 15,000 na bilang ay may layuning maihanda ang mga silid aralan at upuan na kakailanganin sa pagbubukas ng klase.

Facebook Comments