BALIK-ESKWELA | Dalawang porsyento ng mga paaralan sa buong bansa, hindi pa handa sa pagbubukas ng klase ayon sa DepEd

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na halos dalawang porsiyento sa 46,000 paaralan sa buong bansa ang hindi pa handa para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, kalahati sa mga paaralang ito ay matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Aminado naman si San Mateo na may ilang paaralang sosobra sa itinakda nilang student-teacher ratio dahil sa kakulangan ng mga classroom.


Samantala, patuloy pa rin ang enrollment sa mga paaralan sa Marawi City hanggang Hunyo 8.

Sabi ni Anna Zenaida Unte Alonto, Assistant Schools Division Superintendent ng DepEd Marawi, handang-handa na ang 41 paaralan ng lungsod sa pagbubukas ng klase.

May nakatayo rin anyang mga temporary learning spaces sa Barangay Sagonsongan na malapit sa temporary shelters.

Facebook Comments