BALIK ESKWELA | Diskwento Caravan para sa murang school supplies, binuksan na ng DTI

Manila, Philippines – Hindi na kailangan pang makipagsiksikan ng mga nanay sa Divisoria para sa murang school supplies.

Inilunsad kasi ngayong araw ng Department of Trade & Industry (DTI) ang kanilang Diskwento Caravan kung saan makakakuha ng 10-50% discount sa mga school supplies.

Dito sa Diskwento Caravan ng DTI nagkakahalaga ang mga notebook ng P25.75-P44.75, habang P7 ang presyo ng ballpen samantala ang krayola ay mayroong 15-20% at sa mga bibilhan ng bagong sapatos ang kanilang chikiting may 50% discount, pero hindi dahil mura ay mababa ang kalidad dahil pawang gawang Marikina ang mga sapatos kaya garantisado ang tibay nito.


Bukas ang Diskwento Caravan sa tanggapan ng DTI na matatagpuan sa Gil Puyat Ave Makati city mula ngayon hanggang Biyernes alas ocho hanggang alas cinco ng hapon.

Pagtitiyak ng DTI magkakaroon din ng Diskwento Caravan sa ibat-ibang panig ng bansa kaagapay ang mga LGUs bago sumapit ang pagbubukas ng klase sa Hunyo a-4.

Facebook Comments