Manila, Philippines – Aabot sa mahigit dalawamput syam na milyong estudyante ang magbabalik eskwela sa Lunes, Hunyo a-4 para sa school year 2018-2019.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nasa 1.2 millon mag-aaral ang nagsipagtapos nitong Marso pero aabot din sa milyon ang mga kindergarten na nag-enroll isama pa dito ang ilang mga magbabalik eskwela.
Ang nasabing bilang ay mula kindergarten hanggang grade 12 sa buong bansa.
Samantala, nilinaw naman ni kalihim Briones na kahit mababa ang enrollment turn out sa Mindanao tumaas naman ang mga enrollees sa ilang lugar sa bansa.
Inihalimbawa nito ang Marawi kung saan lumipat na sa ilang lalawigan ang mga Maranao dahil sa nangyaring bakbakan ng tropa ng militar at ng Maute-ISIS Terror Group.
Kasunod nito sinabi ni Briones na tatanggap sila ng late enrollees para sa school year 2018-2019 hanggang sa katapusan ng Hunyo.