Albay – Bagamat maraming paaralan ang naapektuhan ng pag aalburoto ng bulkang Mayon noong mga nakalipas na buwan.
Tuloy na tuloy parin ang pagbubukas ng klase sa Albay sa darating na Hunyo 4.
Ayon sa Department of Education (DepEd) handang handa na ang mga paaralan sa Albay dahil wala nang mga paaralan o silid aralan ang ginagamit bilang evacuation center.
Sa ngayon kinukumpuni na lamang ang ilang paaralan at nililinis ang mga silid aralan bilang bahagi narin ng Brigada Eskwela 2018.
Sa kabuuan nasa mahigit 72,000 mga mag-aaral ang naapektuhan noong pag-aalburoto ng bulkang Mayon kung saan nasa 65 paaralan ang nabalot ng abo.
Facebook Comments