Manila, Philippines – Kasunod ng pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo a-4.
Inuumpisahan na ng mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagtatanggal sa mga obstructions at ang pagsasagawa ng kaliwat kanang clearing operations malapit sa mga paaralan.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia magpapakalat sila ng 1,444 na mga personnel sa Lunes lalo na yung malapit sa mga paaralan.
Maliban sa mga personnel ipapakalat din ng MMDA ang kanilang sidewalk clearing operations group at anti-jaywalking unit.
Nagkabit narin ang traffic engineering center ng mga road signs tulad ng no parking, parking, school zone at paglalagay ng markings sa tawiran ng pedestrian.
24 oras din aniyang may naka-monitor sa kanilang metrobase upang subaybayan ang daloy ng trapiko.
Kasunod nito tiniyak ni Garcia na handing-handa na ang MMDA sa pagbubukas ng klase sa Lunes.