Manila, Philippines – Ibinida ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na naging mapayapa ang unang pagbubukas ng klase kahapon sa mga paaralan sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo ikinatuwa ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang naging kabuuang sitwasyon sa usapin ng peace and order sa unang araw ng pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Margarejo, sa ginawang pagbabantay sa mahigit na 200 eskwelahang pribado at pampubliko sa lungsod walang nangyayaring anumang kaguluhan sa mga paaralan.
Paliwanag ni Margarejo, wala umano silang naitalang insidente ng anumang karahasan hanggang maghapon sa araw ng balik eskwela ng mga mag-aaral dahil na rin ito sa pagtatalaga ng MPD na 24/7 info desk sa lahat ng paaralan sa Maynila.
Malaki din anya ang naitulong sa pagpapanatili ng seguridad ng mga opisyal ng barangay, traffic enforcers, mga tanod at mga security guard ng mga paaralan.
Palalaa ng MPD sa mga estudyante sa ikalawang araw ng pasukan na mag-ingat laban sa mga mandurukot at iba pang mga masasamang elemento ng lipunan at sakaling mayroon silang mapapansin na may kahina-hinalang kilos ay bukas ang hotline ng MPD in case of emergency pwede silang tumawag sa 5233378, action operation center ng MPD.