Balik eskwela na sa CCSPC

Magreresume na ang klase para sa mga guro at istudyante ng Cotabato City State Polytechnic College.

Sinasabing ngayong araw magdidis -infect pa sa buong eskwelahan ayon pa kay CCSPC President Dr. Sema Dilna sa panayam ng DXMY, habang bukas pa inaasahang magbabalik ang faculty staff.

Samantala sa May 11 pa magbabalik eskwela ang mga 3rd Year Students at May 13 naman sa mga 4th Year Students habang tru online naman ang magiging eskwela ng 1st year at 2nd year dahil na rin sa iniimplementang guidelines na tanging 21 hanggang 59 years old lamang ang maaring makalabas ng mga tahanan.


Nakatakda namang bibigyan ng working pass ang mga guro ng Poly habang student pass naman sa mga mag-aaral.

Kaugnay nito, mariin namang ipapatupad ang social distancing at pagsusuot ng facemask sa lahat na papasok sa compound ng poly.

Facebook Comments