Balik-eskwela ng mga estudyanteng nasa basic education level, mananatili sa Hunyo

Hindi babaguhin ng Department of Education (DepEd) ang schedule para sa basic education para sa school year 2019-2020.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – aprubado na ng executive committee ang school calendar at ilalabas nila ito sa susunod na linggo.

Aniya, mananatili sa Hunyo ang pagbubukas ng klase ng basic education level sa pampublikong paaralan.


Dagdag pa ng kalihim, mas malaki ang populasyon ng basic education kaysa sa higher education kung saan nasa 23 million na estudyante ang nag-aaral mula kinder hanggang high school.

Matatandaang naglabas ng direktiba ang Commission on Higher Education (CHED) kung saan inirekomenda ang mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) na ilipat ang Agosto ang pagsisimula ng academic year 2019-2020.

Facebook Comments