BALIK-ESKWELA | Pagtatatag ng mga police assistance desk sa mga eskwelahan, ipinag-utos na ng DILG sa PNP

Manila, Philippines – Tinagubilinan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na maglagay na ng mga police assistance desks sa lahat ng public schools sa buong bansa.

Sinabi ni Acting Secretary Eduardo Año na gusto niyang makatiyak na magiging mapayapa at maayos ang kapaligiran sa mga paaralan sa pagsisimula ng klase sa Hunyo 4.

Inaasahan din ang pagsasagawa ng foot patrols at pagpapalakas ng crime prevention programs sa lugar.


Ito ay sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga leaflets at flyers tungkol sa anti-bullying, anti-illegal drugs, at anti-crime tips upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral.

Ayon kay Año, ang presensya ng pulisya sa mga paaralan ay suporta sa Oplan Balik Eskwela Inter-Agency Task Force ng Department of Education (DepEd) kung saan ang DILG at PNP ay kabilang sa mga member agencies.

Facebook Comments