Manila, Philippines – Ilang araw bago ang pagbabalik eskwela, nagpa-alala ang Palasyo sa mga mag-aaral na tutuntong ng kolehiyo na walang dapat na bayarang tuition at miscellenuous fee sa mga State Universities sa buong bansa.
Ayon kay Roque, bukod sa libreng tuition at walang miscellaneous fees sa mga SUCs, may nakalaan ding educational subsidy para sa mga mahihirap na estudyante.
Apat na pung libong piso kada taon ang nakalaan na budget ng pamahalaan para sa educational subsidy ng bawat estudyante na makapapasok sa mga unibersidad at kolehiyo na pinapatakbo ng pamahalaan.
Ito ayon kay Roque ang ikalawang taon na mapapakinabangan ang libreng college education para sa mga magaaral.
Facebook Comments