BALIK ILIGAL | Lalaking sumuko na sa Oplan Tokhang, arestado dahil sa pagbebenta ng shabu sa Maynila

Manila, Philippines – Timbog ang isang drug pusher sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa Sta. Cruz lungsod ng Maynila.

Nakilala ang suspek na si Jofrey Calacala, 35 taong gulang, residente ng Blumentritt.

Ayon kay PSrIns. Edison Owano sa pamamagitan ng 300 pesos nakabili ang mga operatiba ng shabu sa suspek kaya agad itong inaresto.


Lumalabas na parokyano ni Calacala ang ilang jeepney driver at tricycle driver sa Sta. Cruz, Maynila.

Aminado ang suspek sa pagbebenta ng iligal na droga kahit pa sumuko na siya sa Oplan Tokhang ng PNP.

Gagamiting matibay na ebidensya ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na nakumpiska na ang ilan pa ay inilagay sa plastic ng candy.

Kasong paglabag sa R.A 9165 ang isinampa sa arestadong suspek.

Facebook Comments