BALIK-KULUNGAN | Aktor na si Baron Geisler, arestado sa pag-aamok sa harap ng bahay ng nakaalitang bayaw

Manila, Philippines – Balik-kulungan na naman ang aktor na si Baron Geisler matapos na magwala habang may dalang kutsilyo sa harap ng bahay ng nakaalitan niyang bayaw sa Angeles City, Pampanga.

Manila, Philippines – Kahapon ay nagbanta pa umano ang aktor na papatayin ang bayaw na si Michael Robinstone Rodriguez Morales matapos siya nitong bugbugin.

Depensa ni Morales, binugbog niya ang aktor matapos pagsalitaan ng masama ang kanyang anak.


Nasa kustodiya na ng Angeles City Police Station-3 si Geisler na ngayo’y nahaharap sa kasong grave threat, alarm and scandal at Illegal Possession of Firearms.

Nito lang din Oktubre 2017 nang makulong ang aktor dahil sa pagwawala sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City.

Facebook Comments