BALIK KULUNGAN | Dating Palawan Governor Joel Reyes, ipinapaaresto ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Ipinag-utos na muli ng Sandiganbayan 3rd division ang pag-aresto kay dating Palawan Governor Joel Reyes.

Ang pag-aresto ay kaugnay sa graft case ni Reyes matapos ang maanomalyang renewal sa permit ng isang mining firm sa Palawan.

Agad na ipinag-utos ang pag-aresto kay Reyes kasunod ng hiling ng prosekusyon na arestuhin muli ito dahil itinuturing si Reyes na flight risk.


Pinangangambahan na muling tatakas si Reyes at igiiniit na hindi na ito dapat pagkatiwalaan ng korte.

Ibinasura na rin ng Korte ang bail bond na ibinayad noong una ni Reyes para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments