Rizal – Balik-kulungan ang isa sa dalawang preso na tumakas mula sa coaster ng pulisya sa Rizal.
Ayon sa Angono PNP, nahanap ng kanilang team ang puganteng si Edward Borja makalipas lang ang ilang oras nang ito ay nakatakas.
Sa ulat, galing si Borja at ang isa pang kasama nito na si Daniel Sastre sa Binangonan Regional Trial Court nang tumalon mula sa bintana ng coaster ng pulisya sa bahagi ng Barangay Pag-Asa.
Nabatid na ang dalawa ay may kasong may kaugnayan sa droga kung saan dinadal ito sa korte para sa hearing.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad si Sastre kung saan posibleng maharap sa kasong administratibo ang mga pulis na nagbabantay sa mga nakatakas dahil sa kapabayaan.
Facebook Comments