BALIK KULUNGAN | Lalaking kalalaya pa lang, nangholdap – arestado

Quezon City – Arestado ang isang holdaper matapos nitong pagnakawan ang isang babae sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Anonas, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Ricky Peralta na kakalaya lamang sa tatlong buwang pagkakakulong dahil sa kasong alarm and scandal.

Kwento ng biktima, papauwi na siya nang biglang tutukan ng lasing na suspek saka kinuha ang kaniyang cellphone.


Agad na nakahingi ng tulong ang biktima kung saan tumulong ang isang concerned citizen na pasakayin sa kaniyang motorsiklo ang pulis na si PO1 Crisaldo Venoza na siyang nakaaresto sa suspek.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang ginawang krimen at nagawa lamang daw ito dahil madalas siyang itinuturong nanghoholdup pero hindi siya talaga ang may gawa nito kaya’t tinotoo na niya ang mga bintang sa kaniya.

Facebook Comments