BALIK KULUNGAN | Mag-asawang Tiamzon, dapat i-hunt down ng PNP para maikulong muli

Manila, Philippines – Inaasahan ng Palasyo ng Malacanang na gagampanan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang tungkulin na ikulong ang mga personalidad na pinaghahanap ng batas.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng inilabas na desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 32 na dapat ay arestuhing muli ang magasawang lider ng Communist Party of the Philippines na sina Benito at Willma Tiamzon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dapat ay hainan ng warrant of arrest ng PNP ang dalawa kung makikita agad ang mga ito.


Pero sinabi ni Roque na kung magtatago ay kailangang i-hunt down ng PNP ang dalawa para matiyak na masusunod ang utos ng korte bilang pagsunod na rin sa kanilang tungkulin.

Matatandaan na naghain ng motion for recommitment and cancelation of bail ang Department of Justice laban sa dalawa na inaprubahan naman ng Manila RTC.
Bukod sa magasawang Tiamzon ay pinaaaresto din ang National Democratic Front Consultant na si Adelberto Silva.

Facebook Comments