BALIK LOOB | 148 na miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko sa militar simula January 1, 2017

Manila, Philippines – Umabot sa 148 na miyembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko sa militar simula buwan ng Enero nang nakalipas na taon.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, January hanggang December 2017, 70 miyembro ng ASG ang sumuko sa Basilan, 53 sa Sulu, at 21 sa Tawi-Tawi.

Habang nitong buwan ng Enero ngayong taon, apat na Abu Sayyaf Group members ang sumuko.


Tatlo sa mga ito ay sina Reymal Abe Majan, Tarun Uhad Ismael, at Makdar Jikiri, na sumuko sa 2nd Special Forces Battalion, Special Forces Regiment sa Barangay Kanaway Parang, Sulu.

Isinuko rin nila ang kanilang dalawang M1 Garand Rifles at M16 Rifle.

Sinabi naman ni Lieutenant General Carlito Galvez, Jr., ang Commander ng Western Mindanao Command na ang pagdami ng sumusukong terorista ay dahil sa walang tigil na operasyon ng Militar sa Mindanao at sa suportang ibinigay ng mga local chief executives.

Facebook Comments