Manila, Philippines – Sumuko sa militar ang 17 lider ng New People’s Army habang 5 naman ang naaresto sa loob ng unang tatlong buwan ng taong 2018.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Spokesperson Major Ezra Balagtey ang 17 NPA leaders na sumuko ay kabilang sa 315 na miyembro ng NPA na sumuko sa ibat-ibang unit ng militar.
Ang mga posisyon aniya ng mga sumuko at naarestong NPA ay mula Front Political Officer, Commander at Vice Commander ng Armed Unit, Supply Officer, at Deputy Front Secretary ng Regional Committee.
Sumuko at naaresto aniya ang mga ito habang nagsasagawa ng Law Enforcement Operations at combat operations.
Batay naman sa datos ng EASTMINCOM hanggang ngayong araw umabot na sa 421 na NPA ang sumusuko sa militar.
229 dito ay miyembro ng Militiang Bayan, 229 ay miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad at 2,216 ay miyembro ng mass organization na nagwidraw na ng kanilang suporta sa NPA organization.