Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 6,000 ang bilang ng mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa unang bahagi ng taong kasalukuyan.
Batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mula Enero hanggang Abril 15 ng taong ito ay nasa 6,709 na ang bilang ng mga sumukong rebelde sa gobyerno.
721 dito ay mga regular na NPA at miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokal. 513 mula sa Militia ng Bayan, 712 underground organizations members at 4,761 mass supporters.
Sa paglaban naman sa terorismo, malayo na rin ang narating ng AFP sa pamumuno ni General Rey Leonardo Guerrero.
Kung saan aabot na sa 81 local terrorist ang kanilang napaslang, 280 ang naaresto at 96 ang napasuko.
Resulta ito ng mas pinaigting na operasyon ng militar.
Matatandaang ipinagmalaki na noon ni Guerrero na nalampasan ng AFP ang target na kanyang itinakda sa simula ng kanyang panunungkulan na bawasan ang pwersa ng NPA bago matapos ang taon.