Manila, Philippines – Umabot na 144 na miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa gobyerno mula noong January 2017.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command Commander, Lt/Gen. Carlito Galvez Jr. – sa nabanggit na bilang, 70 rito ay galing Basilan, 53 ay mula Sulu habang 21 ay sa Tawi-Tawi.
Dagdag pa ni Galvez – sa pinaigting na combat operations, umabot na rin sa 53 enkwentro ang kanilang naitala sa buong taon kung saan 128 bandido ang napatay habang 90 ang naaresto.
Nasa 243 miyembro naman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang na-neutralize ng militar sa Central Mindanao.
Nakakumpiska rin ng 223 firearms mula sa Abu Sayyaf habang 38 mula sa BIFF.
Pero, iniulat din ni Galvez na 26 na sundalo ang killed-in-action laban sa Abu Sayyaf habang pito naman mula sa operasyon kontra BIFF sa Western Mindanao.
Tiniyak ng AFP na patuloy ang kanilang operasyon laban sa mga bandidong grupo sa Mindanao.