BALIK LOOB | Dalawang mga dating miyembro ng NPA mga ganap ng sundalo matapos ang apat na buwang pagsasanay sa Zamboanga del Sur

Manila, Philippines – Mula sa pamumundok bilang mga dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) ngayon ay ganap ng sundalo ang dalawang rebelde.

Kinilala itong sina Private First Class Arnold Lumangcag at Private First Class Gerald Bation.

Ayon kay Major Ronald Suscano tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army natapos ng dalawang dating rebelde ang apat na buwang candidate soldier course na isinagawa sa division training school sa Labangan Zamboanga del Sur.


Aniya kabilang ang mga ito sa 736 na mga bagong private ng Philippine Army na nagtapos kahapon sa Zamboanga del Sur.

Bukod sa dalawang mga dating rebelde na ganap nang naging sundalo, 90 sa mga nagtapos ay kabilang sa indigenous group na Subanen habang iba ay mga Muslim at Kristyano.

Bibigyan naman ng short break ang mga nagtapos kahapon bago isabak sa trabaho bilang mga sundalo.

Facebook Comments