Sultan Kudarat – Sumuko sa militar ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sultan Kudarat.
Nakilala ang mga rebelde na sina Ariel Apang, Nicanor Apang, Ariel Apang, Uwi Kulam at Iyoy Nayam, pawang tauhan ng guerilla front committee 73.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang m1 carbine rifle, gayundin ang 9mm improvised uzi, granada, dalawang improvised explosive devices at mga bala.
Makakatanggap naman ng tulong ang mga sumukong NPA sa ilalim ng comprehensive local integration program ng pamahalaan.
Facebook Comments