BALIK-LOOB | Magkapatid na miyembro ng NPA, sumuko sa South Cotabato

South Cotabato – Sumuko ang magkapatid na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng T’boli, South Cotabato.

Nakilala ang dalawa na sina Simitong Garcito alyas “Marko” at Jean Garcito alyas “Jen”.
Napag-alaman na si Simitong ay isa sa mga kumander ng NPA guerilla front 73 na kumikilos sa bulubunduking bahagi ng South Cotabato at ilang bahagi ng Sultan Kudarat kung saan kanang kamay nito ang amazonang si Jean.
Kasabay ng kanilang pagsuko, ibinigay din nila sa militar ang mga hawak na isang landmine, m18 claymore mine, iba pang improvised explosive device, at cal. 45 na baril.

Facebook Comments