Manila, Philippines – Papayagan na ng Bureau of Immigration (BI) na makaalis patungong Kuwait ang Overseas Filipino workers (OFWs) na may existing contract doon at nagbabakasyon lamang sa Pilipinas.
Kinumpirma ito ng Immigration Commissioner Jaime Morente matapos ianunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagpalabas sila ng panibagong direktiba na nag-e-exempt sa “Balik Manggagawa” passengers mula deployment ban.
Ayon kay Morente , inatasan na rin niya si BI Port Operations Division chief Marc Red Mariñas na tiyaking maayos ang dokumento ng OFWs na babalik ng Kuwait
Nilinaw din ni Morente na ang Kuwaiti-bound Filipinos na may short-term non-working visas ay hindi rin sakop ng deployment ban.
Tiniyak naman ni Morente na hindi nila papayagan na makaalis patungo ng Kuwait ang mga bagong recruit na OFWs.