BALIK MAYNILA | Matinding traffic sa Metro Manila, asahan na

Manila, Philippines – Asahan na ang matinding trapik sa Metro Manila kasabay ng pag-uwi ng mga nag-Semana Santa sa mga lalawigan.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group Head Bong Nebrija, ipakakalat nila ang lahat ng 400 enforcer ng MMDA para magbantay at magmando sa trapiko.

Wala aniyang day off at bawal mag-absent ang mga tauhan ng ahensya hanggang sa magbalik normal ang daloy ng mga sasakyan.


Pinaalalahanan din ni Nebrija ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho.

Aarestuhin naman aniya ng MMDA ang mga bus driver na lalabag sa ‘“nose-in, nose-out” policy o sa pagbabawal sa mga bus na magmaniobra nang paatras mula sa kanilang terminal.

Facebook Comments