BALIK MAYNILA | Number coding scheme, muling ipapatupad ng MMDA ngayong araw

Manila, Philippines – Ipatutupad na muli ng MMDA ngayong araw ang number coding scheme sa mga pribado at pampublikong sasakyan.

Ito ay dahil sa inaasahang pagbabalik sa Metro Manila ng mga nagbakasyon at naggunita ng mahal na araw sa mga probinsya at iba pang sikat na destinasyon sa bansa.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mula kahapon nananatiling banayad ang daloy ng trapiko pero inaasahang magsisikip na ito simula ngayong araw.


Sa ilalim ng number coding scheme, pagbabawalan ang mga sasakyang dumaan sa mga kalsada sa itinakdang araw base sa numerong nagtatapos sa kanilang mga plaka.

Lunes: 1 at 2
Martes: 3 at 4
Miyerkules: 5 at 6
Huwebes: 7 at 8
Biyernes: 9 at 0

Facebook Comments