BALIK MAYNILA | Safety tips, pinaalala ng NLEX

Manila, Philippines – Matapos ang holiday break, humaba na ang pila ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) na pabalik ng Metro Manila.

Ayon sa NLEX Traffic and Safety Management, kapag dumami pa ang mga sasakyan ay magdadagdag sila ng mga collection point.

Paalala naman ng NLEX sa mga motorista, huwag kalimutang masigurong maayos ang BLOWBAGS (Battery, Light, Oil, Water, Brake, Air, Gas, Self).


Ihanda na dapat bayad sa mga toll para hindi sila magtagal sa pila.

Samantala, magaan naman ang daloy ng trapiko sa South Luzon Expressway.

Facebook Comments