Balik normal na bukas,ayon sa MRT3 Management

Hanggang ngayong araw na lang angĀ  maintenanceĀ  activities sa Metro Rail Transit line 3.

 

Ayon sa pamunuan ng mrt 3, asahan na magbabalik operasyon na ang tren bukas ,a-22 ng Abril.

 

Bahagi ng pagkukumpuni na ginawa ng mga tauhan ng Dept of Transportation at Mrt 3 ay ang paglalagay ng galvanized paint sa turn backle,guy anchor, assembly, shuckle plate, back guy, anchor bolt, support bracket at base plate.


 

Gayundin ang Pagkukumpuni at pagpapalit ng maluluwag na anchor bolts at rail fastener at paglilinis ng mga istasyon.

 

Dumaan na rin sa pagsusuri ng mga tauhan ngĀ  DOTr at MRT 3Ā  at ni Warren Phillips, miyembro ng Australian advisory panel para sa MRT 3 ang mga riles ng tren.

 

Ito ay upang matiyak na nasa maayos ang ginawangĀ  pagaayos lalo na sa paghahasaĀ  ng riles.

 

Habang suspendido ang operasyon ng tren para bigyang daan ang taunang pagkukumpuni nito na pinasimulan noong lunes , ipinatupadĀ  naman ang Edsa bus augmentation program upang ayudahan ang mga pasahero ng MRT3.

Facebook Comments