Balik na sa normal ang operasyon ng Dumaguete Airport.
Ito ay makaraang sumadsad ang eroplano ng Philippine Airlines sa Dumaguete Airport kahapon makaraang magkaproblema sa gulong pagkatapos nitong mag-landing
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) naialis na ang nagka aberyang eroplano ng PAL sa bahagi ng runway ng paliparan kung kaya at tinanggal na rin ang umiiral na notice to airmen o NOTAM.
Sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio, alas onse kagabi nang tuluyan nang maialis ang eroplano sa runway.
Dahil sa nasabing pagsasara ng paliparan naapektuhan ang mga byahe ng PAL Express at Cebu Pacific.
Matatandaang isinara ang Dumaguete Airport dakong alas siete y benta kahapon ng umaga.
Facebook Comments