BALIK OPERASYON | Ilang byahe ng Cebu Pacific, naantala dahil sa nangyaring aberya sa Zamboanga International Airport

Zamboanga – Balik operasyon nang muli ang Zamboanga International Airport makaraang ipag utos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang re-opening ng nasabing paliparan.

Ito ay matapos magkaroon ng aberya ang isang eroplano ng Cebu Pacific partikular ang Flight 5J 849 na may byaheng Manila-Zamboanga.

Dahil dito nadagdagan pa ang mga naantalang byahe kabilang na ang mga sumusunod:


5J 839 Zamboanga – Tawi-Tawi 11:45am
5J 394 Zamboanga – Davao 12:05pm
5J 852 Zamboanga – Manila 12:35pm
5J 840 Tawi-Tawi – Zamboanga 1:10pm
5J 860 Manila – Zamboanga 2:30pm
5J 850 Zamboanga – Manila 2:40pm
(New Estimated Departure)

Kanina, pansamantalang naparalisa ang operasyon ng Zamboanga International Airport dahil huminto o tumigil sa runway ang eroplano ng Cebu Pacific dahil sa steering fault.

Humihingi naman ng pang unawa at pasensya ang airline company sa perwisyong naidulot nila sa ilang pasahero.

Facebook Comments