BALIK OPERASYON | Ilang flights mula at patungong Tacloban City, operational na ngayong araw

Manila, Philippines – Sa kabila ng nagpapatuloy na repairs sa runway ng Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City balik operasyon na ang ilang flights ngayong araw.

Sa abiso ng Cebu Pacific at CebGo, ang mga byahe ng eroplano mula at patungong Tacloban City ay back to normal na maliban na lamang sa scheduled flights mula 9:30am hanggang 1:30pm ay makakaranas ng delay o pagka antala sa kanilang flight.

Sa abiso naman ng Philippine Airlines, hindi apektado o nananatuling operational ang 8 byahe ng PAL mula at patungong Tacloban City kahit na nagpapatuloy ang pagkukumpuni sa ilang bahagi ng airport.


Ang mga byahero naman na apektado o na-reschedule ang flight ay naabisuhan na ng mga nabanggit na airline companies.

Ang temporary closure ay kaugnay ng emergency repairs na isinasagawa sa nasabing paliparan dahil sa mga nagsilabasang pothholes bunsod ng walang tigil na pag ulan nuong mga nakalipas na linggo.

Facebook Comments