BALIK OPERASYON | International runway sa NAIA, balik operasyon na

Manila, Philippines – Matapos ang halos dalawang araw ay balik-operasyon na ang international runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos sumadsad ang eroplano ng Xiamen Airlines noong Huwebes ng gabi.

Tumagal ng halos 40 oras bago nai-alis ang flight mf8667 at nagsagawa ng clearing operation sa runway.


Idinala sa balagbag compound ang eroplano.

Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang insidente.

Facebook Comments