Baguio, Philippines – Pinag-aaralan na ng syudad ang posibleng pagbalik pasada ng mga pampublikong bus ngayong linggo. Ito ay para bigyan din ng aktibong pagkakakitaan ang mga kumpanya ng bus sa lungsod at nakahanda na din ang mga susunding guidelines ng mga ito, simula sa araw ng kanilang pag-byahe.
Tinitingnan ang mga pagbyahe ng mga lokal sa mga karatig lugar sa lungsod, o kaya sa NCR. Ngunit ang pagbyahe ng mga turista mula sa NCR ay malabo at imposibleng mangyari pero, kung sakaling maari ng mag-byahe ang mga pasaherong mula sa mga karatig na lugar o kaya sa NCR, ang posibleng magsilbing triage area ng mga pasahero ay sa Baguio Convention Center at kailangang may online application ang kung sino man na aakyat sa lungsod, nasa 50% seating capacity ang mga bus, oobserbahan ang mga minimum health standards ng mga pasahero at kailangang sumailalim sa triage.
Kahapon lamang ay nakipag-dialogo na ang mayor kasama ang mga myembro ng Baguio City Traffic and Transportation Technical Working Group sa mga Bus at UV express operators sa City Hall para pag-usapan ang mga ilan pang mga suhestyon para maprotektahan ang publiko sa Covid-19 at humingi naman sya ng travel routes mula sa mga operators ng bumabyahe sa Northern Luzon at ilang parte ng Central Luzon para mapag-aralang maigi ng lokal na gobyerno.