BALIK-PINAS | 100 distressed OFWs na galing Middle East darating sa bansa bukas

Manila, Philippines – Ngayon pa lamang ay naghahanda na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-uwi ng isa na naman batch ng Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa gitnang silangan.

Isang daang Overseas Filipino Workers (OFW) ang inaasahang darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula sa Abu Dhabi bukas ng 8:00 ng umaga sakay ng Philippine Airlines flight PR 657.

Sasalubungin ng OWWA repatriation team ang mga balik manggagawa upang alalayan sa customs at immigration formalities paglapag ng palipara.


Pagkakalooban din ang mga darating na OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.

Pansamantalang tutuloy sa OWWA shelter ang mga OFWs na walang matutuluyan dito sa Metro Manila, habang bibigyan naman ng pamasahe ang mga gustong umuwi ng kanilang probinsya.

Facebook Comments