Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makakauwi na sa Pilipinas ang nasa 1,000 OFW na naipit sa Iraq mula pa noong 2014.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, inaprubahan na kasi ang balik manggagawa program kung saan tinitiyak na hindi mawawala ang kanilang naiwang trabaho abroad kapag nagbakasyon sila dito sa bansa.
Sakop ng programa ang mga OFW sa Iraq na nasa ilalim ng workers-on-leave category o kaya naman ang mga OFW na pauwi sa bansa para sa maikling bakasyon pero maaring makabalik sa kanyang employer abroad at maaring ipagpatuloy ang work contract.
Sa ngayon, suspendido ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa sa Iraq matapos sakupin ng ISIS ang ilang lugar sa Iraq.
Facebook Comments