BALIK-PINAS | 15 fishing boat captains na ikinulong sa Indonesia pabalik na ng bansa

Manila, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi ng Pilipinas ang 15 Filipino fishing boat captains o kapitan ng bangka na ipinakulong ng Indonesian authorities dahil sa iligal na pangingisda sa kanilang katubigan.

Sinabi ng DFA, ang mga kapitan ng bangka ay ini-release sa mga opisyal ng Consulate General.

Sinabi ni Consul General Oscar Orcine, ang mga ito ay nakulong ng limang buwan hanggang tatlong taon matapos silang maaresto dahil sa illegal fishing.


Ang boat captains ay pinagkalooban ng welfare assistance na P5,000.00 bawat isa bago sumakay ng kanilang flight pabalik ng Pilipinas.

Bago umalis pabalik sa Pilipinas, nagpasalamat ang mga kapitan ng bangka sa tulong o welfare assistance na ipinagkaloob sa kanila ng konsulado, habang sila ay nasa bilangguan.

Samanatala limang iba pang mga Filipino na nakulong dahil naman sa overstaying ang naibalik na rin sa bansa ng Philippine Consulate General (sa Manado) noong Lunes.

Facebook Comments