Manila, Philippines – Dumating sa bansa kagabi ang higit 100 OFW ang nabigyan ng amnesty program sa Kuwait.
Sinalubong ang mga OFW ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (Owwa) para tulungan sa pagpoproseso ng kanilang dokumento sa immigration office.
Bukod sa cash assistance, pwede ring mag-avail ang mga umuwing OFW ng livelihood program.
Bukas, April 23 ay nasa 200 pang OFW ang uuwi ng bansa mula Kuwait.
Ayon kay DFA Asec. Elmer Cato – halos 5,000 Pinoy ang naka-avail ng amnestiya, wala pa rito ang mahigit 400 nagsisiuwian sa bansa ngayon.
Aniya, may higit 10,000 undocumented Filipino sa Kuwait.
Hanggang ngayong araw na lamang (April 22) ang deadline ng amnesty program ng Kuwaiti government.